parang kanta lang ni Lady A. Just A Kiss ba yun? haha.. sweet dreams… :)
January 22,Linggo ng araw na yun. Nagkayayaan kami ng aking mga kaibigan sa probinsya na magkita kita..jamming at katuwaan kumbaga. Ang isa ay lalaki, ang isa naman ay babae. (won’t mention their names to keep their identities private). Itago na natin ang babae sa pangalang “Ana” at ang lalaki sa pangalang “Lloyd”.
Dalawang linggo na rin namin napagplanuhan ito. Nag-aaral ang kaibigan kong babae at may trabaho naman ang lalaki naming kaibigan. Batchmate ko sa HS yung babae at si lalake naman ay tatlong taon ang agwat namin, school mate namin sya nung High School.
Nagkita kami ni Ana sa may Cubao. Sumakay kami ng bus paFairview. sa Commonwealth kami bumaba at dun namin kinita si Lloyd. Masaya ang muli naming pagkikita. Parang nung Christmas break lang ay magkakasama kami, pero ang makita muli ang isa’t isa ay nakakapagalak ng loob. Namiss lang din namin ang isa’t isa.
Hapon na nung dumating kami sa bahay nila Lloyd. Pinaghanda nya kami ng makakain, at nagulat kami ni Ana sa nakita namin… apat na cases lang naman ng Manila Beer. Ano ulit? tatlo lang kami tapos apat na cases? haha.. lunod kami nito. pero sabe nya. “Niyaya ko kasi yung mga katrabo ko eh, kaso di na ata sila makakarating. Yung isa na lang ubusin naten. Regalo ko na lang sa pinsan ko yung tatlong matitira, bday nya rin kasi sa Wednesday eh.”… ahhh ganun naman pala. hehe..
Kinagabihan, at nag-inuman na kami. Presko ang pwesto ko. sa duyan ako nakasandal, sila naman ay presko rin sa paghihit-buga sa kani-kanilang mga yosi. “Gusto mo ba?” sabi ni Ana, “Nope! Tumigil na ako diba? Ayos lang ako.” yan ang sambit ko sa kanya. Lumalim ang gabi at nakalahati na namin ang case. Biglang sabi ni Lloyd “gusto nyo trip trip tayo? Spin the bottle tayo, puro consequence lang. Kung kanino una matatapat, sya ang gagawa ng consequence, yung susunod na tatapatan naman ang gagawan ng consequence at yung matitira ang gagawa ng utos.” Game naman kami ni Ana. Pinaikot ang bote, si Ana ang taya, at sakin nya ito gagawin. May chocolate si Llyod nun at ang inutos nya, maglagay raw ako sa leeg ko ng chocolate at uubusin ni Ana ito gamit ang kanyang labi at dila. Ok! easy lang yun. Sunod naman, taya sa Lloyd, ako ang maguutos. Inutusan ko si Lloyd na maglagay ng chocolate sa gilig ng labi ni Ana at ubusin ito gamit ang halik. K! easy shot again. Next, taya si Ana, at ako maguutos. Inutusan ko si Ana na halikan si Lloyd sa labi sa tatlong segundo at nagawa nya. Hanggang nagpatuloy ang laro… Ako at si Ana maghahalik ng limang segundo. Ako at si Lloyd ng walong segundo. Si Ana at si Lloyd ng walong segundo. sampung segundo. bilang bilang. umikot ng umikot ang laro saming tatlo at hindi namin namalayang naubos na ang alak.
Walang malisya, walang halong libog. purong katuwaan lang at naramdaman ko ang sinseridad ng pagkakaibigan. Tinatawanan lang namin lahat ng mga nangyayari. Ginagalang namin ang isa’t isa. Naging totoo lang kami sa aming mga sarili. Nakakatuwa dahil parehong straight yung mga kasama ko at hindi nila ininda kung ano man ako.
Pagkaubos ng alak ay bigla na lamang ako nakatulog sa duyan. Pagkagising ko’y umaga na. wala na si Ana. Pinauwi raw kasi sya ng kuya nya. Si Lloyd naman ay nagkwento na inakay pa nila ako papasok ni Ana sa loob ng bahay patungo sa sala at dun inihiga.
Natatawa nalang ako pag tinitignan ko si Lloyd. Parang wala lang talaga yung nangyari nung gabi. Ganun pa rin ang pakikitungo nya sakin. Mabait. walang ilangan. Ganun din si Ana na nagawa pa akong itext, humihingi ng pasensya dahil naiwan daw nya ako.
Matagal na rin bago ako nakatikim ng halik. At sa gabing iyon ay nahalikan ako ng mga halik na kahit hindi ko inaasam ay napaligaya ako. Halik na tumanggap sa pagkatao ko. Mga halik na nagmula sa mga tunay na tao. Mga halik na nagpapahiwatig na mahal nila ako. Mga halik mula sa labi ng isang babae’t isang lalaki.
sweetest goodnight and sweetest welcome for a wonderful day…
FRANZ is LOVE
Hi Jayson!
It’s been more than five years na rin pala since we’ve met. And it has also been a record-breaking 5 years since...
Lady Sybil. Fucking Lady Sybil. WHYYYYY??????????????????????????




Half of my Downton Abbey OTP is dead. Dead. As in dead. As in not alive. As in what is life. As in I have nothing to live for. As in what. The....
“Dear volleyball, Thank you for being there when nobody else was.”
credits: Dragan Travica e Cristian Savani
Relevant to part 17.
Vlado Petković ♥